♣ do you believe in destiny? ♣ - Post a comment [entries|archive|friends|userinfo]
charmdi

[ userinfo | scribbld userinfo ]
[ archive | journal archive ]

Career Week, day 4 [Jul. 11th, 2009|10:36 am]
[Current Mood |apathetic]
[Current Music |Billy Jeans - Michael Jacson]

June 9, 2009. Thursday

Ngayon ay ang 4th day of Career Week. May Career Fair sa loob ng gym at sobrang init at nakakapagod maglakad.

Nagsimula ang araw ko sa 6:00 am. Nag daily routine ako at dumating ang school bus. Pagkasakay ko agad ako nakinig sa Fire ng 2NE1 kasi trip ko lang at na alala ko bigla si Marianne e.

Pagdating sa school pumunta ako sa USUAL SPOT naming sa umaga, nakipag kuwentuhan kami sa isa’t isa habang inaabangan naming ang bell to assemble sa CWS. Nung dumating ang first period teacher namin (which happens to be Sir Ricky- Religion) umakyat na kami sa 4th floor at nagsimula ang general assembly naming sa classroom. Sa sobrang init nilabas ko ang wtf edition ng pamaypay ko at nagsimula mag paypay. Hindi nag tagal may naghiram rin at na lungkot ako. Hindi dahil trip ko lang pero uminit ulit ang pakiramdam ko.

Ayaw ko na nagpapawis ako.

Mabaho ang amoy ng  pawis.

Wala akong putok.

Yes ven, ikaw ang pinaparingan ko.

No dinney, this is not tukso worthy.

Yes edna, I am serious.

So nag lesson na si sir Ricky at ginamit niya ang laptop niya na HINDI MAC. Nag kuwento siya ng tungkol sa oyster and it’s pearl at si God. As usual nakinig ako kasi I’m a sucker for stories. Nakakaaliw si Yoko *ang pangalan ng oyster * hindi dahil sa storya, kungdi oyster siya. Un lang. Lumipas ang First period at muntikan na ako nakatulog kasi sa sobrang sarap ng hangin na nakukuha ko sa pamaypay ko. Oo nga pala, nabalik na ang pamaypay ko.

Next period: Double Math, pero cut kasi sa second period ng math pumunta kami ng gym para bisitahin ang Career Fair for one hour lang. Wala si ven sa upuan niya kasi pumunta siya ng clinic. So umupo ako sa upuan niya kasi nga wala ako makita sa upuan ko. Nag report ang dapat mag report at nakinig ako *for the first time *. Maayos naman ang report nila kasi maayos ang report ni Ferdi, Don, at Eric. Mamaya maya sinagutan naming ang assignment nila. Ang sabi ni Ms. Jho G5-G8 ang sasagot. So tumayo ako at sinagutan ang first number. Kasi G5 ako. Tama ang sagot ko at pumunta si Ms. Jho sa number 2 problem. May mga mali mali pero kinukulit naming si Ms kasi may pabura, padagdag, pa palit, padagdag sa solution. Tapos bigla banaman niyang sinabi:

ANAK NG PITONG KUBA.

Tawa kami ng tawa ni dinney lalo na ung mga kaunting taong na nakarinig *kasi halos lahat nun time na un nakikipagdaldalan. I can’t blame them, math IS boring. *

MATH IS YOUR SLAVE, NOT YOUR RULER

Dumating na si Sir Allan at umalis na kami para pumunta sa gym. Ang whole point lang naming doon ay kumuha ng kumuha ng brochures ng mga colleges. UN. LANG.

Next period ay: LUNCH. Wala, kumain lang kami. Pero ako, si edna, si princess D ay umakyat ulit sa gym at umikot pa. pagkatapos nun dumeretsyo na kami sa classroom at hindi pumila sa baba. Nagtago kami sa CR para hindi Makita ng mga teachers. Pinatugtug ko ang IRONY NG WONDER GIRLS sa cellphone ko at sumayaw kaming tatlo ng sayaw ko.

Oo, ung sayaw na kung saan na ung paa ko lang ung gumagalaw.

Next period: PHYSICS

Ok lang, medyo boring kasi solving solving ulit. Madali lang at you know… blank. Walang nakakatuwa nanyari pero masyang kasama si Ms. Framel.

Next period: BREAK

|: wala, bumili. Uminom at may nakita akong nakakatuwa. Hindi ko pwede ikuwento dito. Kasi baka maresbakan ako ng friendlets niya. Kinuwento ko kila dinney at natawa siya.

Next period: ENGLISH

Nag practice kami sa play naming at nag rehearse rin ako kasama ni Simile. “Simile! Simile!” “Is is true that the man with you is Zeus?” I need to polish my acting. I. DON’T. ACT. VERY. WELL. ON. SCRIPTS. I prefer adlib na comedy. Much. Easier. So nagkuwentuhan kami ni edna, at dinney pagkatapos ko mag rehearse. Pero bago ung lahat na iyon binigyan kami ni Eunice ng Yearbook Write-Up, whatever that means. Tapos finill-up-an namin. Pagkatapos nun umuwi na kami.

UWIAN:

Sabay kami bumaba ni Mayan. Un lang. Nag commute kami ni badu pauwi pero nakita kami ni mama sa food street at kumain kami kasama ng friendlets niya at ung apo ng nanay ng friendlet niya, si Eros, ung pedobait na englishero, pedobait na cute, na pedobait na maliit, ung pedobait, na pedobait. In other words, PEDOBAIT siya… coughNACUTEcough. Tapos nun, umuwi na kami.

Pagdating ko sa bahay tinuloy ko ung Write-up form ng Yearbook…
Un lang XD. Pagkatapos ko sagutin un nire-write ko ung notes ko sa Physics at nag aral-aralan ako sa Math. Habang nirere-write ko ung notes ko sinabi ko kay bochok na:

NUN BATA PA AKO, MGA 1-YEAR-OLD PA LANG AKO. SA DAMI NA NAINOM KONG GATAS, SUMUKA AKO NG RAINBOW.

… AMOY GATAS NA RAINBOW. MAY GLITTERS.

… sayang. Hindi siya naniwala.
LinkReply

Reply:
From:
( )Anonymous- this user has disabled anonymous and non-friend posting. You may post here if charmdi lists you as a friend.
Identity URL: 
Username:
Password:
Don't have an account? Create one now.
Subject:
No HTML allowed in subject
  
Message: